dalawang dekadang lumipas... isang pagbabalik-tanaw
Isipa'y nagising
mula sa pagkakahimbing.
Di dahil sa lakas ng ulan,
di rin naman sa lamig ng simoy ng hangin.
Isipan ko'y di makali
na parang may hinuhukay
may hinahanap...
malalim,
madilim
Patuloy ang hangin
sa paghipo sa aking pagkatao
na nagbuhos ng pananabik sa paghahanap.
Ngunit sadyang mahirap matanaw
na tila ilang siglo nang ibinaon
sa limot ng panahon...
maputik,
mabato
Isipa'y nagpupumilit
nakalipas ay mabatid.
Katotohanan ay nais malaman
upang bigyang kahulugan
ang pagkatao sa kasalukuyan.
Habang ang isipa'y abala,
tinig ng sanggol ay umalingawngaw.
Panandaliang huminto ang oras
at katawa'y di maigalaw.
Luha ko'y pumatak,
nagbigay ng kakaibang galak...
masaya,
may pag-asa
Isipan ay nagpatuloy
dala ang pag-asa dulot ng sanggol.
Ngunit sa gitna ng paglalakbay,
dalawang tinig muling narinig...
tinig ng kasiyahan,
tinig ng kapighatian
Oras ay muling huminto.
Bumangon ang aking katawan
sa di mabatid na dahilan.
Sa pag-agos ng luha'y,
binigyang buhay ang sulo...
katumbas ay apoy,
katumbas ay poot
Isipa'y nais nang sumuko
ngunit nagpatuloy at di nagpatalo.
Sa gitna ng paglalakbay,
may liwanag na naaninag.
Oras ay huminto
at sa labas ako'y tumungo.
Isang malawak na kapatagan
ang sa akin pala'y nag-aabang.
Tumatakbo, lumulundag,
at sumisigaw ng hubad
habang luha ko'y pumapatak
simbolo ng lubos na galak.
Daigdig ay waring sa akin,
walang sino man maaaring mag-angkin.
Kung dati ay lagi na lang kimi --
damdamin ay di maihayag,
ngayon ay may tapang
harapin ang katotohanan.
Di na masukat ang layo na narating ng
isipang pagod na at tila napapraning.
"Anak, gising at ika'y bumangon na!"
bungad ni ina sabay tapik sa'king paa.
Pagkatao'y nahimlay sa loob ng dalawang dekada,
pagbango'y napagtantong Agosto beinte na...
mula sa pagkakahimbing.
Di dahil sa lakas ng ulan,
di rin naman sa lamig ng simoy ng hangin.
Isipan ko'y di makali
na parang may hinuhukay
may hinahanap...
malalim,
madilim
Patuloy ang hangin
sa paghipo sa aking pagkatao
na nagbuhos ng pananabik sa paghahanap.
Ngunit sadyang mahirap matanaw
na tila ilang siglo nang ibinaon
sa limot ng panahon...
maputik,
mabato
Isipa'y nagpupumilit
nakalipas ay mabatid.
Katotohanan ay nais malaman
upang bigyang kahulugan
ang pagkatao sa kasalukuyan.
Habang ang isipa'y abala,
tinig ng sanggol ay umalingawngaw.
Panandaliang huminto ang oras
at katawa'y di maigalaw.
Luha ko'y pumatak,
nagbigay ng kakaibang galak...
masaya,
may pag-asa
Isipan ay nagpatuloy
dala ang pag-asa dulot ng sanggol.
Ngunit sa gitna ng paglalakbay,
dalawang tinig muling narinig...
tinig ng kasiyahan,
tinig ng kapighatian
Oras ay muling huminto.
Bumangon ang aking katawan
sa di mabatid na dahilan.
Sa pag-agos ng luha'y,
binigyang buhay ang sulo...
katumbas ay apoy,
katumbas ay poot
Isipa'y nais nang sumuko
ngunit nagpatuloy at di nagpatalo.
Sa gitna ng paglalakbay,
may liwanag na naaninag.
Oras ay huminto
at sa labas ako'y tumungo.
Isang malawak na kapatagan
ang sa akin pala'y nag-aabang.
Tumatakbo, lumulundag,
at sumisigaw ng hubad
habang luha ko'y pumapatak
simbolo ng lubos na galak.
Daigdig ay waring sa akin,
walang sino man maaaring mag-angkin.
Kung dati ay lagi na lang kimi --
damdamin ay di maihayag,
ngayon ay may tapang
harapin ang katotohanan.
Di na masukat ang layo na narating ng
isipang pagod na at tila napapraning.
"Anak, gising at ika'y bumangon na!"
bungad ni ina sabay tapik sa'king paa.
Pagkatao'y nahimlay sa loob ng dalawang dekada,
pagbango'y napagtantong Agosto beinte na...


Diseniyo ni